Lunes, Enero 30, 2012

mga Lathalain


Kung aking bibigyang kahulugan kung ano ang isang lathalain o artikulo, masasabi kong ang lathalain ay isang sulatin na nagbibigay ng impormasyon, karunungan, at payo sa taong magbabasa nito.

Ayon sa libro na Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat tungo sa pananaliksik, may pitong uri ng lathalain. Apat dito ay nakaatas sa akin. Ito ang lathalaing paglalakbay, pangkasaysayan, nagpapabatid, at natatanging lathalain.
Ang lathalaing paglalakbay ay tungkol sa mga karanasan, mga magagandang bagay na kanyang nasubaybayan o di kaya’y mga di kaayang-ayang pangyayari sa kanyang paglilibot sa kung saan mang lugar. Kadalasan nababasa ang ganitong lathalain sa isang “travel magazine”. 
Halimbawa, Ang aking Bakasyon sa Bogo,Cebu...
“Bago makarating sa aming destinasyon, marami kaming nadaanan na mga lugar gaya na lamang ng bayan ng Danao, Carmen, Catmon, atbp. Nakakatuwang pagmasdan ang mga bulubundukin lalo na ang mga sakahan ng mais at palay. Madaling araw pa lamang ay tumungo na kami kaya naman napakagandang tingnan ng araw nang nagsimula na itong sumikat. Umabot sa apat sa oras ang biyahe namin kaya naman sa pagdating naming, agad kaming kumain nang tanghalian at nagtungo sa simbahan ng San Vicente. Maraming deboto ang dumayo sa simbahan at siksikan ang pila sa mga magpapamisa. Matapos magsimba, dinayo naming ang magagandang beach club sa Bogo at isa na doon ang Udlot. Napakaganda ng lugar lalo na ang dagat nito. Napakaasul ng dagat at may katamtamang lamig din. Matapos maligo Kung gusto mong matulog o magpahinga sa layo ng biyahe, siguradong mahimbing kang makakatulog dahil sa ihip ng hangin na tilang humahaplos sa’yo. Maganda din ang lugar dahil hindi ito masyadong matao. Kung nais mo man ng isang mapayapa at magandang lugar ito na tiyak ang hinahanap mo.”

Lathalaing pangkasaysayan, ang lathalaing ito ay tungkol sa kung saan o paano na buo ang isang bagay o lugar. Maaari ding ito ay tungkol sa nakalipas na detalye ng bagay o lugar. Kadalasan nababasa ito sa mga paaralan, barangay, munisipyo, atbp na kung saan ito ay nakapaskil. 
Ang halimbawang artikulo nito ay Ang Kasaysayan ng Cebu
”Ang Cebu ang tinaguriang Queen City of the South. Noong 1521, isang tahimik na lugar pangisdaan ang Cebu. Dumating si Magellan at naglagay ng krus na gawa sa kahoy. Ito ay naging simbolismo ng Kristianismo sa Cebu. Ang krus ay matatagpuan sa kalye ng Magallanes, galling sa pangalan ni Fernando de Magallanes. Noong April 3, 1898 naman ay nagsagawa ng rebolusyon si General Leon Kilat nga Bacong, Negros Oriental laban sa mga espanyol. Kaya pinilit ni Miguel Lopez de Legazpi na magtayo ng fort bilang matitirhan. Ngayon ay kilala ito dahil sa liit at tanda, ang fort San Pedro. At noong April 1965, nakatutok sa Kristianismo ang mga Cebuanos at ipinatayo nina Don Legaspi at Frag Urdaneta ang San Augustine Church na ngayon ay tinatawag na Basilica Minore del Santo Niño alang-alang sa unang imahe ni Senior Santo Niño. “

Ang natatanging lathalain ay tungkol sa isang tao na may naiambag sa larangan ng edukasyon o lipunan. Maaaring siya ay nagging kilala dahil sa kanyang mga kontribusyon o di kaya’y naitulong sa nakararami. 
Ang halimbawa nito ay ang lathalain tungkol kay Dr. Jose Rizal
”Ipinanganak si Gat Jose Protasio Rizal Mercado sa bayan ng Calamba, Laguna, noong ika-19 ng Hunyo taong 1861. Maraming nagawa si Rizal lalo na sa ating bayan. Isa na dun ay ang pagbuwis n’ya sa kanyang buhay para sa ating bayan sa panahon ng pagsakop ng mga espanyol. Maliban sa pagbuwis ng buhay, nakapaggamot din s’ya sa kapwa Pilipino at nakapagturo sa mga batang hindi makapag-aral dahil sa hirap at kakulangan sa buhay. May naiambag din siya sa larangan ng pagsusulat sapagkat isa sa kanyang mga tanyag na nobela ang Noli me Tangere at ang El Filibusterismo na pumukaw sa mga kamalayan nga mga Pilipino sa mga pang-aabuso ng mga espanyol sa kanila. Marami pang mga bagay na naiambag si Rizal sa iba’t-ibang larangan na marahil ay hindi pa nalalaman ng iba kaya naman labis na lamang ang pagkahanga ng mga kabataan sa kanyang mga nagawa para sa ating bayan.”

At ang panghuli ay ang lathalain na nagpapabatid. Ito ang lathalain na kung saan ay nagbibigay kaalaman sa mambabasa na kung saan ang kanyang mahihinuha ay magagamit niya sa mga akademikong pagsasanay o di kaya’y sa praktikal na buhay. Maari ding ito ay nagbibigay ng payo sa mga mambabasa.
Ang halimbawa para sa lathalaing ito ay Ang mga Simple at Epektibong Pamamaraan para Pumuti
”Halos lahat tayo ay nais magpaputi at magkaroon ng makinis na balat. Ang iba pa nga ay gumagastos ng malaki para lang makamit ang minimithing kagandahan ng balat ngunit  alam naman natin na karamihan ditto ay mayroon ding masamang epekto sa ating kalusugan. Kaya naman patok pa rin sa iba ang mga natural na pamamaraan ng pagpapaputi. Kaya naman una sa lahat, pinapayo na gumamit ng sunblock na may SPF 30 pataas kung kayo man ay maglalakad na nakabilad sa araw. Iwasan ang polusyon, kaya gumamit ng sombrero at sun glasses. Magsuot din ng long sleeve at pants upang hindi direktang natatamaan ng araw ang iyong balat. Gumamit din ng whitening cream na may Hydroquinone 2% at Tre-tinoin 0.1%. Maaari ding gumamit ng calamansi o lemon upang malunasan ang mga age spots habang tayo ay nagkakaedad. Mag-ingat lang na hindi masobrahan sapagkat ito ay acidic. Makikita mo ang epekto matapos ang dalawang buwan ng paglalagay. Hanggat maaari, iwasan ang pagkamot, pagkuskos, at pagkalkal ng balat sa pagkat mas lalo itong iitim. Marami pang mga paraan ng pagpapaganda at  ilang lamang itong aking nabanggit sa mga epektibong gawin upang pumuti.” 

Linggo, Enero 22, 2012

LISTEN ...

Here we are again !

I'm tired and sick adding those people who don't add me back...

can you stop being so selfish! if you are doing this because you are required to do so, then so as I...