Kung
aking bibigyang kahulugan kung ano ang isang lathalain o artikulo, masasabi
kong ang lathalain ay isang sulatin na nagbibigay ng impormasyon, karunungan,
at payo sa taong magbabasa nito.
Ayon
sa libro na Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat tungo sa pananaliksik, may pitong
uri ng lathalain. Apat dito ay nakaatas sa akin. Ito ang lathalaing
paglalakbay, pangkasaysayan, nagpapabatid, at natatanging lathalain.
Ang
lathalaing paglalakbay ay tungkol sa mga karanasan, mga magagandang bagay na
kanyang nasubaybayan o di kaya’y mga di kaayang-ayang pangyayari sa kanyang
paglilibot sa kung saan mang lugar. Kadalasan nababasa ang ganitong lathalain
sa isang “travel magazine”.
Halimbawa, Ang
aking Bakasyon sa Bogo,Cebu...
“Bago makarating sa aming destinasyon, marami
kaming nadaanan na mga lugar gaya na lamang ng bayan ng Danao, Carmen, Catmon,
atbp. Nakakatuwang pagmasdan ang mga bulubundukin lalo na ang mga sakahan ng
mais at palay. Madaling araw pa lamang ay tumungo na kami kaya naman
napakagandang tingnan ng araw nang nagsimula na itong sumikat. Umabot sa apat
sa oras ang biyahe namin kaya naman sa pagdating naming, agad kaming kumain
nang tanghalian at nagtungo sa simbahan ng San Vicente. Maraming deboto ang
dumayo sa simbahan at siksikan ang pila sa mga magpapamisa. Matapos magsimba,
dinayo naming ang magagandang beach club sa Bogo at isa na doon ang Udlot.
Napakaganda ng lugar lalo na ang dagat nito. Napakaasul ng dagat at may
katamtamang lamig din. Matapos maligo Kung gusto mong matulog o magpahinga sa
layo ng biyahe, siguradong mahimbing kang makakatulog dahil sa ihip ng hangin
na tilang humahaplos sa’yo. Maganda din ang lugar dahil hindi ito masyadong
matao. Kung nais mo man ng isang mapayapa at magandang lugar ito na tiyak ang
hinahanap mo.”
Lathalaing
pangkasaysayan, ang lathalaing ito ay tungkol sa kung saan o paano na buo ang
isang bagay o lugar. Maaari ding ito ay tungkol sa nakalipas na detalye ng
bagay o lugar. Kadalasan nababasa ito sa mga paaralan, barangay, munisipyo,
atbp na kung saan ito ay nakapaskil.
Ang halimbawang artikulo nito ay Ang Kasaysayan ng Cebu…
”Ang Cebu ang tinaguriang
Queen City of the South. Noong 1521, isang tahimik na lugar pangisdaan ang
Cebu. Dumating si Magellan at naglagay ng krus na gawa sa kahoy. Ito ay naging
simbolismo ng Kristianismo sa Cebu. Ang krus ay matatagpuan sa kalye ng
Magallanes, galling sa pangalan ni Fernando de Magallanes. Noong April 3, 1898
naman ay nagsagawa ng rebolusyon si General Leon Kilat nga Bacong, Negros
Oriental laban sa mga espanyol. Kaya pinilit ni Miguel Lopez de Legazpi na
magtayo ng fort bilang matitirhan. Ngayon ay kilala ito dahil sa liit at tanda,
ang fort San Pedro. At noong April 1965, nakatutok sa Kristianismo ang mga
Cebuanos at ipinatayo nina Don Legaspi at Frag Urdaneta ang San Augustine
Church na ngayon ay tinatawag na Basilica Minore del Santo Niño alang-alang sa
unang imahe ni Senior Santo Niño. “
Ang
natatanging lathalain ay tungkol sa isang tao na may naiambag sa larangan ng
edukasyon o lipunan. Maaaring siya ay nagging kilala dahil sa kanyang mga
kontribusyon o di kaya’y naitulong sa nakararami.
Ang halimbawa nito ay ang
lathalain tungkol kay Dr. Jose Rizal…
”Ipinanganak
si Gat Jose Protasio
Rizal Mercado sa bayan ng Calamba, Laguna, noong ika-19 ng
Hunyo taong 1861. Maraming nagawa si Rizal lalo na sa ating bayan. Isa na dun
ay ang pagbuwis n’ya sa kanyang buhay para sa ating bayan sa panahon ng
pagsakop ng mga espanyol. Maliban sa pagbuwis ng buhay, nakapaggamot din s’ya
sa kapwa Pilipino at nakapagturo sa mga batang hindi makapag-aral dahil sa
hirap at kakulangan sa buhay. May naiambag din siya sa larangan ng pagsusulat
sapagkat isa sa kanyang mga tanyag na nobela ang Noli me Tangere at ang El
Filibusterismo na pumukaw sa mga kamalayan nga mga Pilipino sa mga pang-aabuso
ng mga espanyol sa kanila. Marami pang mga bagay na naiambag si Rizal sa iba’t-ibang
larangan na marahil ay hindi pa nalalaman ng iba kaya naman labis na lamang ang
pagkahanga ng mga kabataan sa kanyang mga nagawa para sa ating bayan.”
At
ang panghuli ay ang lathalain na nagpapabatid. Ito ang lathalain na kung saan
ay nagbibigay kaalaman sa mambabasa na kung saan ang kanyang mahihinuha ay
magagamit niya sa mga akademikong pagsasanay o di kaya’y sa praktikal na buhay.
Maari ding ito ay nagbibigay ng payo sa mga mambabasa.
Ang halimbawa para sa
lathalaing ito ay Ang mga Simple at Epektibong Pamamaraan para
Pumuti…
”Halos lahat tayo ay nais magpaputi at magkaroon ng makinis na
balat. Ang iba pa nga ay gumagastos ng malaki para lang makamit ang minimithing
kagandahan ng balat ngunit alam naman
natin na karamihan ditto ay mayroon ding masamang epekto sa ating kalusugan. Kaya
naman patok pa rin sa iba ang mga natural na pamamaraan ng pagpapaputi. Kaya naman
una sa lahat, pinapayo na gumamit ng sunblock na may SPF 30 pataas kung kayo
man ay maglalakad na nakabilad sa araw. Iwasan ang polusyon, kaya gumamit ng
sombrero at sun glasses. Magsuot din ng long sleeve at pants upang hindi
direktang natatamaan ng araw ang iyong balat. Gumamit din ng whitening cream na
may Hydroquinone 2% at
Tre-tinoin 0.1%. Maaari ding gumamit ng calamansi o lemon upang
malunasan ang mga age spots habang tayo ay nagkakaedad. Mag-ingat lang na hindi
masobrahan sapagkat ito ay acidic. Makikita mo ang epekto matapos ang dalawang
buwan ng paglalagay. Hanggat maaari, iwasan ang pagkamot, pagkuskos, at
pagkalkal ng balat sa pagkat mas lalo itong iitim. Marami pang mga paraan ng
pagpapaganda at ilang lamang itong aking
nabanggit sa mga epektibong gawin upang pumuti.”